Erik Santos co-hosts Sharon Cuneta’s birthday concert

Erik Santos co-hosts Sharon Cuneta’s birthday concert
Pep.ph
Monday, January 17, 2011
Photography: Noel B. Orsal

Sharon Cuneta’s birthday concert Part 1

Noong Martes ng gabi, Enero 11, naganap ang birthday concert ni Sharon para sa 2011. Ito’y alay ni Sharon sa kanyang mga tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanya sa loob ng 33 taon niya sa showbiz.

Mapapanood ang concert sa ABS-CBN Sunday’s Best sa Enero 23.
erik santos
Ipinakilala ni Sharon ang kanyang tatlong co-host para sa concert: sina Eric Santos, K Brosas, at Zanjoe Marudo.

Marami at mahahaba ang gaps ng bawat performance. Sina Eric, K Brosas, at Zanjoe ang nagpataas ng energy ng mga manonood para hindi sila mainip sa paghihintay ng susunod na numbers.

erik santos

Bentang-benta sa mga manonood ang mga baong joke ng stand-up comedian na si K Brosas, kahit minsan ay nagiging masyado na itong green. “Walang pakialamanan, ie-edit naman ito, e!” depensa niya.

erik santos
Isa sa mga naka-duet ni Sharon ay si Eric Santos. Kinanta nila ang kanta ni Sharon na “Tawag ng Pag-ibig.”